DUE TOMORROW DO TOMORROW XD.
Specially our Projects, Assignments & Et Cetera (:
(via littlemissperky)
DUE TOMORROW DO TOMORROW XD.
Specially our Projects, Assignments & Et Cetera (:
(via littlemissperky)
September 23, 2010
To whom it may concern:
Good day!
Please excuse my son, David Karl M. Zerna, for being absent in all of his classes for two days due to his toothache that swell from September 21, Tuesday, and September 22, Wednesday. After his check-up with the dentsist, the doctor recommended us to let him stay in the house during those days and let him take some rest and some few medications.
With this regards, I would like to ask some favor to let him be excused on the classes, quizzes and assignments that he had missed.
I’ll be hoping for your kind considerations.
With respect,
Judith M Zerna
SINO ANG DAPAT SISIHIN?
ni David Karl M Zerna
Sa paghihirap ng ating bayan, sino ang dapat sisihin? Ang TAO? Na nilalagyan ng limitasyon ang kanilang kayang gawin. O ang PAMAHALAAN? Na patuloy sa pagbubulagbulagan sa mga pangangailangan ng taumbayan.
Sa ating gobyerno, may nagseserbisyo pa ba ng totoo? Sa ‘rami ng mga nagawang pangako noong nakaraang eleksyon, alin ba ang nagkatotoo at alin ba ang kinalimutan nalang? Tamang paglilingkod ang hanap natin. Wala ng iba. Kurakot, pangungurakot, ‘yun ‘yon. Kahit ang sagwa pakinggan ng salitang ito, ‘yun pa rin ang katotohanan. Hinding-hindi mo maiaalis na sadyang may mga tao talagang mas gugustuhin pang magnakaw kesa sumerbisyo ng tapat at totoo sa bayan.
Sa lahat ng panahon, patuloy na dumaranas ang iba ng hirap, pagtitiis, pakikibaka upang patuloy na mabuhay dito sa mundo. At habang tayo’y nabubuhay, may kanya-kanya tayong mga pinapangarap. Mga hangarin, hangaring magbibigay sa atin ng kaginhawaan at kaligayahan sa buhay. Ngunit, naisip ba natin, kung sapat na ang ating mga ginagawa upang matugunan ang ating mga pagnanasa? O di naman kaya’y sadyang kulang lang.
Sa panahon ngayon, ang ating puhunan ay ang ating mga sarili. Kung anong meron tayo at kung anong kaya nating gawin, kinakailangan nating hasain ito, pakinabangan, upang may magawa at magkaroon ng silbi sa ating lipunan. Pero kung ganito, ba’t napakarami pa ring mga pulubi sa lansangan? Nanlilimos, nagmamakaawa, umaasang madaragdagan ang mga baryang nasa lata. Wala ba silang kayang gawin maliban dito? At meron namang ibang taong bihira na ngang magkapera, sa di katalinuhang paggasta, ay may panahon pang magbisyo, uminom, sumugal, mambabae, at kung anu-ano pa. Aminin man natin o hindi, gumagastos tayo sa mga bagay na hindi gaanong importante.
Paminsan-minsan, kailangan nating isipin, na sa bawat galaw na ating gagawin, umeepekto ito sa ibang bagay, hindi natin kontrolado, ngunit ‘yun ang totoo. Hindi natin iniisip ang mga bukas na darating. Sabi nga, ‘bahala na si Batman.’ Matuto tayong kumilos ng tama, gumawa ng tama, at mag-isip ng tama. Isang pananagutan nating lahat para sa ikabubuti ng ating bayan. Dahil sa darating na araw, kung ano man ang ating katayuan sa buhay, wala tayong karapatang mangsisi sa iba o sa kung sino man. Dahil ang ating mga sarili lamang ang gumagawa ng mga desisyon. Desisyong kinabukasan ng ating bayan ang nakasalalay. Desisyong himukin ang ating isipan na kaya nating magtagumpay at maging maligaya hanggang sa huli.
(via jesus-our-hero, chocolatesmile)
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw….
“Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, ‘yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.”
“O, Arnaldo, ikaw pala. Ano’t napatawag ka? May problema ba?
“Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.”
‘Yung parrot kong si Pikoy, patay? ‘Yung nanalo sa bird show?
“Opo, Master Carlos, ‘yun na nga po.”
“Putris … sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong ‘yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?”
“E, kumain po kasi ng bulok na karne….”
“Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?”
“W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo.”
“Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Arnaldo?”
“E, ‘yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.”
“Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg? “
“‘Yun pong pinampatay namin ng sunog.”
“Diyos ko po! Anong sunog naman ‘yang pinagsasasabi mo?”
“‘Yun pong halos tumupok sa bahay niyo…. Tumumba po ‘yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab ‘yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy….”
“Ano? Puuut*#*@?!@ …. E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan ‘yung kandila?”
“Para sa burol po.”
“Ano? Kaninong burol?
“Sa nanay n’yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu’ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko.”@n@#$%^W&&*
from: http://excuses-of-a-fucking-weak.blogspot.com/2010/04/how-to-deliver-bad-news.html